KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO
Ano nga ba ang kasaysayan ng ating wikang Filipino? Saan ito nagmula? Kailan ito nag simulang bigkasin sa ating bansa? At ano nga ba ang kahalagahan ng ating sariling wika? At ano nga ba ang layunin kung bakit naipalaganap ang wikang Filipino? Dito sa blog na ito matutuklasan natin kung ano, saan, at kailan nagsimula ang wikang Filipino sa ating bansa. Nais ko na bigyan halaga ang sarili nating wika at yan ang wikang Filipino.
Isang
layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng
pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at pulitikal na
pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang
wika ng isang bansa. Unang sumibol ang diwa ng pagkakaroon ng isang wikang
pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Manuel Quezon noong 1925
ang isang damdamin ng pagkabigo ng pambansang bayaning si Jose Rizal, nang
hindi nito magawa ng huling makipag-ugnayan sa isang kababayang babae habang
nasa isang bangka patungong Europa.
Noong Nobyembre 13,
1936, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang
Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong
pambansang wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga
sumusunod:
1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wika na pinaka nauunawaan sa lahat ng mga relihiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan at mga kapuluan.
2. Hindi ito nahahati sa mas maliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano at Italyano). Higit na maraming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng bansang Pilipinas.
5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan-dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.
Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wika papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino.
Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:
ARTIKULO XIV - WIKA
Sek.6 - Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, dapat itong pagyamanin at payabungin pa salig sa Wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek.7 - Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hagga't itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.
Sek.8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa pangunahing wikang panrelihiyon , Arabic at Kastila.
Sek.9 - Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang relihiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
Ngayong alam na natin kung ano ang kasaysayan ng ating wika, nararapat na matutunan na nating mahalin at pahalagahan ito. At, isa sa ating mga tungkulin bilang mga mamamayang Pilipino ay ang ipagmalaki itong lenggwaheng sariling atin sa kahit na sino man sapagkat, ito ay isang simbolo ng ating pagiging makabayan at ating pagiging mga tunay na Pilipino. Marahil sa panahon natin ngayon, ay marami na ang nakalilimot sa kahalagahan at sa tunay na kahulugan ng ating pambansang wika. Hindi pa naman huli ang lahat upang tayong mga kabataan ay tumayo at sumigaw na ang pagiging isang Pinoy ay isang pribilehiyo; at magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagmamalasakit at paggamit sa wikang Filipino ng tama. Katulad nga ng sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, "Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda." kung kaya't atin na itong mahalin kung ayaw natin maging mas mabaho pa sa malansang isda! Haha!
SOURCES:
www.google.com
www.yahoo.com
www.wikipedia.org
BY : ALVIN M. BOMBEO
BCS12